36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Gastos sa burol at libing apektado na rin ng inflation

- Advertisement -

Apektado na rin ng inflation o patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang gastos sa burol at libing.

Sa gitna ng preparasyon para sa undas, aminado ang ilang pangunahing funeral parlor chain na hindi nila maiwasang itaas nang bahagya ang presyo ng kanilang service package dahil sa inflation rate.

Ayon kay Jacqueline Merculio, family relations supervisor ng Loyola Memorial Chapels and Crematorium-Guadalupe branch, maaari namang mamili ng service package depende sa kaya  ng budget.

Gayunman, pinayuhan ni Merculio ang publiko na paghandaan ang kamatayan may inflation man o wala upang maiwasan ang mga problemang kahaharapin ng iiwanang pamilya.

Naglalaro sa 20,000 hanggang isang milyong piso ang funeral service packages sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -