Free Index-Based Agriculture Insurance act isinusulong ni Villar

Free Index-Based Agriculture Insurance act isinusulong ni Villar

by Powered by DWIZ
0 comment 86 views

Isinusulong ni Senador Cynthia Villar ang panukalang Free Index-Based Agriculture Insurance Act.

Ito, ayon kay Villar, ay para kaagad makabangon ang mga magsasakang sumasadsad ang kabuhayan dahil sa mga kalamidad at may matatakbuhan sa tuwing nape perwisyo ang kanilang mga produkto.

Sinabi ni Villar na kung magiging mabilis ang pagbangon ng mga magsasaka, hindi na maaapektuhan ang supply ng mga produktong pang-agrikultura.

Tinukoy ni Vllar, chair ng senate agriculture committee, na noong nakalipas na taon, nagbayad ang Philippine Crop Insurance Corporation ng mahigit P3.3-B sa mga pinsalang idinulot ng mga kalamidad sa mga pananim at ari-arian ng mga magsasaka at mangingisda.

Nais aniya niyang magkaroon ng P6-B risk management fund na maaaring magamit hanggang sa halos 3-M ektarya ng masasalantang taniman.

0 comment

Related Posts