Panukalang itaas ang buying price ng NFA para sa palay ibinasura
September 7, 2018
Ilang mga carinderia owner umaaray na sa taas presyo ng mga sangkap sa pagkain
September 7, 2018
Show all

Fr. Robert Reyes hinimok ang publiko na ipagdasal si Sen. Trillanes

Hinimok ni running priest, Father Robert Reyes ang publiko na ipagdasal si Senador Antonio Trillanes upang hindi ito panghinaan ng loob na ipagpatuloy ang kanyang paninindigan laban sa panggigipit sa kanya ng gobyerno.

Ayon kay Reyes, lantaran ang political harassment ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Trillanes at inaasahang isusunod na rin ang lahat ng tumutuligsa sa kanya.

Panahon na aniya upang magkaisa ang lahat ng oposisyon at kritiko ni Pangulong Duterte upang isiwalat ang lahat ng kabulukan sa pamahalaan.

Iginiit ni Reyes na hindi magkakaroon ng pagbabago sa bansa o gobyerno hangga’t patuloy na ginigipit ng Pangulo ang lahat ng kanyang kritiko.

Comments are closed.