Floyd Mayweather Jr may mahalagang iaanunsyo

by Powered by DWIZ
0 comment
Floyd Mayweather Jr may mahalagang iaanunsyo

Nag aabang na ang maraming boxing fans sa umano’y nakatakdang anunsyo ni retired US boxing champion Floyd Mayweather, Jr.

Kasunod na rin ito ng post ni Mayweather ng video kung saan sinasabi nitong may mahalaga siyang anunsyo ngayong araw na ito o bukas.

May kutob ang boxing experts na ang anunsyo ni Mayweather ay may kinalaman sa pagpayag na nito sa hamon si Filipino Boxing Champion Senador Manny Pacquiao para sa rematch.

Sa ngayon ay tanging like sign lamang ang reaksyon ni Pacman sa kaniya namang sariling personal account kaugnay sa nabanggit na social media post ni Mayweather.

Una nang sinabi ni Mayweather na hindi na ito babalik sa boxing at nakatuon na ang kaniyang atensyon sa kaniyang mga negosyo.

Related Posts