Flip top rapper na si LilJohn patay sa pamamaril sa Cavite

Flip top rapper na si LilJohn patay sa pamamaril sa Cavite

by Powered by DWIZ
0 comment 43 views

Patay ang flip top rapper na si Jon Ross delos Santos o mas kilala bilang LilJohn matapos pagbabarilin sa Imus, Cavite.

Ayon sa hepe ng Imus City Police na si Police Lieutenant Col. Junar Alamo, nakaupo ang rapper sa kanyang motorsiklo nang barilin sa ulo.

Dinala pa ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Narekober naman ng mga otoridad ang 2 basyo ng bala sa pinangyarihan ng krimen.

Sa ngayon ay nagpaabot na ng pakikiramay ang flip top battle league sa kaanak ng yumaong rapper.

0 comment

Related Posts