Filipino sa LA patay matapos atakehin nang walang dahilan ng isang pulubi

by Powered by DWIZ
0 comment
Filipino sa LA patay matapos atakehin nang walang dahilan ng isang pulubi

Patay ang isang sietenta anyos na Filipino matapos na biglaang atakehin ng isang pulubi sa Los Angeles California.

Sa ulat ng LA Police District, kinilala ang biktima na si Julius Rondez na tubong pantukan compostela valley at halos 3 dekada nang nagtatrabaho sa City of Los Angeles Department of Water and Power Firm.

Batay imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ng kanyang tahanan ang biktimang si Rondez mula sa trabaho nang bigla itong sakalin ng suspek na kinilalang si Carillo Torres malapit sa istasyon ng tren.

Ayon sa LA Police District, hindi binitiwan ng suspek si Rondez hanggang bumagsak ito at tumama ang ulo sa sidewalk.

Naisugod pa ng mga pulis sa ospital si Rondez pero binawian din ng buhay kinabukasan dahil sa mga tinamong pinsala sa katawan.

Naaresto naman ng mga otoridad ang suspek na si Torres at patuloy na inaalam mula dito ang dahilan kung bakit niya inatake si Rondez.

 

Related Posts