Federal election sa Canada itinakda na sa Oktubre

Federal election sa Canada itinakda na sa Oktubre

by Powered by DWIZ
0 comment 19 views

Nakatakdang isagawa ang federal election ng bansang Canada sa Oktubre 21 ngayong taon.

Ito ay matapos hingin ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau kay Governor General Julie Payette ang pagbuwag ng umiiral parlyamentaryo sa naturang bansa.

Ang governor general ay ang kinatawan ni Queen Elizabeth ng Inglatera sa Canada.

Ginawa ito ni Trudeau sa kanyang pagbisita sa governor general at isinabay na ang pag anunsyo ng simula ng kanyang kampaniya.

Makakalaban ni Trudeau sa gaganaping eleksyon sina Andrew Scheer, Elizabeth May at Jagmeet Singh.

0 comment

Related Posts