Farmers Plaza management nag-sorry sa LGBT community

Farmers Plaza management nag-sorry sa LGBT community

by Powered by DWIZ
55 views

Humingi ng paumanhin ang management ng Farmers Plaza kasunod ng pagbabawal ng janitress nitong ipagamit kay Gretchen Diez isang transwoman ang palikuran na pambabae.

Ayon kay Morriel Abogado, Farmers Plaza Property General Manager, humihingi sila ng ‘sorry’ kay Diez, sa LGBT community at sa publiko dahil hindi magandang inasal ng kanilang empleyado.

Iginiit nitong nirereview na nila ang video ni Diez at nangakong aaksyunan ang reklamo nito.

Sinabi pa ni abogado na hindi sila naglalagay ng distinctions sa kanilang mga customer at welcome dito ang sinumang miyembro ng LGBTQ community.

0 comment

Related Posts