Panukalang 2019 national budget tiniyak na mapapasakamay ni Duterte — Andaya
November 13, 2018
Seguridad ng mga uuwing NDFP consultants ipinauubaya ng PNP sa AFP
November 13, 2018
Show all

Faeldon wala pang official appointment bilang susunod na BuCor director

Wala pang official appointment si Nicanor Faeldon bilang director ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ayon kay Faeldon ay kaya’t hindi pa siya nagpapakita sa BuCor tulad nang inihayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra simula nang maitalaga ito sa ahensya.

Sinabi ni Faeldon na wala pa siyang hawak na opisyal na papel na nagtatalaga sa kaniya bilang pinuno ng BuCor o kahit pa anunsyo hinggil dito bagamat inihayag ni guevarra na Oktubre 12 siya itinalaga sa BuCor.

Magiging katawa-tawa naman aniya siya kung mag-a-assume siya sa puwesto ng walang appointment.

Ayon kay Faeldon, wala siyang record ng pagiging no show o pagliban ng walang dahilan at sa katunayan aniya ay isang araw matapos siyang i-release ng Senado kaagad siyang nag trabaho sa Office of Civil Defense (OCD).

Comments are closed.