Extradition kay Napoles sa Amerika di hahayaan ng Sandiganbayan

0
60

Mananatili ang hurisdiksyon ng hukuman sa isang akusado maliban na lamang kung tuluyan nang mabasura ang kaso laban dito.

Iyan ang ipinaliwanag ni Sandiganbayan Presiding Judge Amparo Cabotaje – Tang makaraang ihayag nito na hindi nila hahayaang ma-extradite si Napoles sa Amerika.

Ayon kay Cabotaje Tang, hindi maaaring paharapin sa korte sa ibang bansa si Napoles dahil kasalukuyang dinidinig ang kaso nito.

Magugunitang nahaharap sa limang patong ng kasong plunder si Napoles maliban pa sa kasong graft dahil sa multi-bilyong pisong pork barrel fund scam.

Una nang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maaaring ma-extradite si Napoles sa Amerika na nahaharap naman sa kasong money laundering.