28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Ex-RCBC branch manager hinatulang guilty sa kasong money laundering

- Advertisement -

Sinentensyahang makulong ng apat hanggang pitong taon ang dating branch manager ng RCBC bank sa Makati City na nasangkot sa 81 million dollar cyber heist sa Bangladesh central bank noong Pebrero 2016.

Batay sa desisyon ng Makati Regional Trial Court, guilty sa kasong money laundering si Maia Santos Deguito.

Maliban sa pagkakulong, pinagmumulta rin ng mahigit sa isandaang milyong dolyar si Deguito para sa walong kaso ng money laundering.

Si Deguito ang branch manager ng RCBC kung saan napunta ang ilang bahagi ng 81 million dollars na ninakaw ng hackers sa Bangladesh Central Bank.

Mula sa bangko ay inilipat ito sa ilang casino accounts na noong panahong ‘yun ay hindi pa sakop ng money laundering law.

Gayunman, inabswelto ng Department of Justice ang may-ari ng casino na si Kim Wong, ang junket operator na si Weikang Xu at remittance service na Philem na kabilang rin sa dinaanan ng nakaw na pera.

Ito ay matapos isauli ni Wong ang halos labing limang milyong dolyar ng nakaw na pera na napunta sa casino account.


RCBC mas lalong tumibay ang posisyon sa money laundering scam

Lalong tumibay ang posisyon ng RCBC o Rizal Commercial Banking Corporation na wala silang kinalaman sa 81 million dollar cyber heist noong 2016.

Laman ito ng statement ng RCBC matapos mahirang na guilty sa kasong money laundering ang dati nilang branch manager na si Maia Santos Deguito.

Ayon kay RCBC spokesperson Thea Dae, ang pagkakasentensya kay Deguito ay pagpapatunay na isa ring biktima ang RCBC at tiwali si Deguito.

Mula apat na taon hanggang pitong pagkakulong ang hatol kay Deguito sa bawat isa sa walong kaso ng money laundering.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -