Ex FDA director Puno handang humarap sa imbestigasyon

Ex FDA director Puno handang humarap sa imbestigasyon

by Powered by DWIZ
0 comment 79 views

Nakahandang humarap sa kahit anong imbestigasyon si dating Food and Drug Administration (FDA) director Nela Charade Puno.

Binigyang-diin ito ni Puno sa inilabas nyang statement matapos matanggap ang termination paper mula sa Malakanyang.

Ayon kay Puno, tinatanggap nya ng maluwag ang pagsibak sa kanya ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil prerogative ito ng pangulo.

Gayunman, blangko anya sya sa alegasyon na sinibak sya dahil sa katiwalian at hindi makatarungan na masira ang reputasyon ng isang opisyal na ang intensyon lamang ay magsilbi sa publiko.

0 comment

Related Posts