Ex-Davao VM Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio ayaw makipag-areglo kay Trillanes

by Powered by DWIZ
0 comment
Ex-Davao VM Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio ayaw makipag-areglo kay Trillanes

Kapwa tumanggi sila dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw nitong si Atty. Mans Carpio sa alok na pakikipag-areglo ni Senador Antonio Trillanes IV.

Kaugnay ito sa inihaing kasong libelo ng mag-bayaw laban kay Trillanes dahil sa pagdadawit sa kanila nito sa pagpasok sa bansa ng multi-bilyong pisong shabu shippment na ipinadaan umano sa Bureau of Customs (BOC).

Gayundin ang pangingikil umano nilang dalawa sa ilang mga ride-sharing companies partikular na ang tnc o transport network company na Uber.

Ayon kay Atty. Ranier Madrid, abogado ng mag-bayaw, walang nabuong kasunduan sa pakikipagpulong nila sa mga kinatawan ni trillanes nuong Marso 22, araw ng Biyernes.

Magugunitang ipinag-utos ni Davao City Regional Trial Court Branch 54 Judge Melinda Dayanghirang na idaan na lamang sa out of court settlement ang kaso sa pamamagitan ng isang mediation meeting.

Related Posts