Ex-business partner ni Kris Aquino ipinaaresto na ng korte

by Powered by DWIZ
0 comment
Ex-business partner ni Kris Aquino ipinaaresto na ng korte

Ipinaaaresto ng Taguig Regional Trial Court ang dating business partner ng aktres na si Kris Aquino.

Naglabas ng warrant of arrest si Judge Felix Reyes laban kay Nicko Falcis na nahaharap sa kasong pagkuha ng pera sa pamamagitan ng illegal na paggamit ng access device tulad ng credit card.

Nagtungo na umano sa bahay ni Falcis sa Quezon City ang pulisya subalit hindi siya nadatnan duon.

Nagtakda ng P60,000 na piyansa ang Taguig Court para sa pansamantalang paglaya ni Falcis.

Si Falcis ay nahaharap rin sa kasong estafa dahil sa di umanoy paggamit ng corporate credit card para sa kanyang personal expenses.

Related Posts