Eroplano galing Taipei sumadsad sa runway ng Kalibo airport

by Powered by DWIZ
0 comment
Eroplano galing Taipei sumadsad sa runway ng Kalibo airport

Sumadsad ang isang eroplano na galing Taipei sa runway ng Kalibo International Airport kagabi.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesman Eric Apolonio, ligtas naman ang mga pasaherong sakay ng Far Eastern Transport.

Bagama’t bahagyang naatala ang operasyon ng paliparan ay agad din naman itong naibalik sa normal matapos na maialis sa runway ang eroplano.

Inaalam na ng CAAP ang dahilan ng pagover-shoot ng naturang eroplano.

—-

 

 

 

Related Posts