30.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

EO para sa localized peacetalks sa mga NPA inihahanda na

- Advertisement -

Inihahanda na ng Malakaniyang ang isang Executive Order kaugnay sa localized peacetalks sa New Peoples Army.

Ipinabatid ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa localized peacetalks ay di diretso na ang gobyerno at bibigyang kapangyarihan ang mga local official na makipag usap sa mga combatants kapag hindi pumayag si CPP NDF Founder Jose Maria Sison na gawin sa Pilipinas ang peacetalks.

Pitong kondisyon ang inilatag ng gobyerno sa localized peacetalks tulad ng National Orchestrated, Centrally Directed at Locally Supervised ang pag uusap.

Ang amnesty package ay dapat ding naka base sa disarmament, demobilization, rehabilitation at reintegration sa lipunan at iba pa.

Sinabi pa ni Roque na naglatag din ang gobyerno ng apat na localized peace engagement at kabilang dito ang localized peacetalks, community dialogue, local peace package at confidential dialogue.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -