Encoding ng mga printed election returns sinimulan na – PPCRV

Encoding ng mga printed election returns sinimulan na – PPCRV

by Powered by DWIZ
197 views

Sinimulan na ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang manu-manong page-encode ng mga printed election returns.

Ayon kay PPCRV chairperson Myla Villanueva, ito na ang opisyal na pagbubukas ng ikalawang bahagi ng kanilang tungkulin.

Sinabi naman ni PPCRV media director Agnes Gervacio, may mga volunteers silang nakatoka sa pagkolekta ng mga printed election returns at dinadala sa kanilang command center sa Pope Pius.

Kasunod nito ay nagsasagawa naman ng validation process ang mga estudyante nilang volunteers kung saan ini-encode ang mga ito at ikukumpara sa electronic returns na lumalabas naman sa kanilang mga screens.

0 comment

Related Posts