Ellen at John Lloyd tikom sa bali-balitang hiwalay na sila

Ellen at John Lloyd tikom sa bali-balitang hiwalay na sila

by Powered by DWIZ
191 views

Tahimik pa rin ang kampo nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz kasunod ng balitang hiwalay na sila.

Si Ellen umano ang siyang bumitaw sa relasyon nila ni John Lloyd dahil sa sobrang pagiging weird nito.

May nagsabi ring naghiwalay ang dalawa dahil ayaw umano payagan ni John Lloyd na bumalik sa showbiz si Ellen.

Isa namang source mula sa Cebu City ang nagsabing hindi naghain ng temporary protection order si Ellen laban kay Lloydie tulad nang unang lumutang.

Paglilinaw nito, nagtungo sa korte si Ellen dahil may mga inaayos itong papeles sa mga ari-arian nang namayapa nitong ama.

0 comment

Related Posts