35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Election protest laban kay De Lima iniurong na ni Tolentino

- Advertisement -

Iniurong na ni Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino ang kanyang election protest laban kay Senador Leila de Lima upang muling tumakbong senador sa midterm elections sa May 2019.

Sa kanyang programang Tol Online sa DWIZ, sinabi ni Tolentino na kailangan niyang maghain ng notice to archive upang maiwasan na maglabas ng resolusyong pumapabor kay De Lima ang Senate Electoral Tribunal (SET).

Ayon kay Tolentino, ang mga hawak niyang ebidensya tulad ng audit log report ay ibibigay niya kay dating Senador Bongbong Marcos upang magamit sa kanyang protesta laban sa pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo.

Pumang labing dalawa si De Lima noong nakaraang eleksyon samantalang pang-labing tatlo si Tolentino.

Si Tolentino ay nakatakdang maghain ng kanyang COC sa susunod na linggo.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -