Eleazar ikinagalak ang promosyon ngunit kaunting nalungkot sa paglisan sa NCRPO

Eleazar ikinagalak ang promosyon ngunit kaunting nalungkot sa paglisan sa NCRPO

by Powered by DWIZ
0 comment 21 views

Namaalam na bilang hepe ng National Capital Region Office Police (NCRPO) si Police Major General Guillermo Eleazar.

Ito ay matapos siyang italaga bilang chief of directorial staff na ika-apat na pinakamataas na ranggo sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Eleazar, kanyang ikinagagalak ang kanyang promosyon ngunit may kaunting lungkot dahil lilisanin na aniya ang NCRPO kung saan ito ang nagsilbing kanyang tahanan sa loob ng mahigit isang taon.

Binilinan naman ni Eleazar ang mga police trainees na huwag kakalimutang mamuhay ng matuwid at gawing tama ang kanilang tungkulin para sa bansa.

Samantala, pormal nang nagpaalam si Eleazar sa kanyang mga nakasama sa NCRPO at nagpasalamat dahil sa tiwalang kanilang ibinigay sakanya. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

0 comment

Related Posts