35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

El Niño Task Force muling bubuhayin

- Advertisement -

Muling binuhay ng gobyerno ang binuo nilang El Niño Task Force bilang paghahanda sa posibleng epekto ng tagtuyot sa mga susunod na buwan.

Ito’y ayon kay Economic Planning Secretary Ernesto Pernia.

Ayon sa kanya, handa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na manguna sa pagtugon sa magiging epekto ng El Niño.

Hindi rin aniya mapipigilan ang pagkakaroon ng ganitong uri ng panahon, gayunman maaari anya tayong maging mas handa sa pamamagitan ng masusing pag-aaral ng mga dati nang naranasan ng bansa upang makapag-balangkas ng pang-matagalang solusyon hinggil dito.

Dagdag pa ni Pernia, isasama na nila sa kanilang areas of concern ang water security na dapat anyang maging prayoridad kasunod ng seguridad sa pagkain.

Samantala magugunitang unang ikinasa ang naturang task force nang hinagupit ang bansa ng isa sa pinakamalakas na El Niño na naitala noong taong 2015.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -