28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

EDUKAR GenSan Scholars,Nagsagawa Ng Mangrove Planting

- Advertisement -

Alas-7 ng umaga sabay-sabay na nagtanim ng humigit-kumulang 1,500 na mga mangrove ang mga beneficiaries ng EDUKAR Scholarship Program ng LGU Gensan sa Camanga, Brgy. Buayan, General Santos City, Huwebes, Setyembre 26, 2019

Sa pagpapatuloy ng adbokasiyang PlanetSMART,  layon ng isang telco na maipalaganap ang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng upcycling at environmental preservation.

Lumahok sa mangrove planting activities sina City Councilor Shandee Llido-Pestano, SK Federation President Salvador John Demdam, CEMCDO Department Head Lenard Flores, CENRO Department Head Allan Marcilla, Tourism Council Chairperson Jane Rivera, mga personahe ng PLDT-SMART, RCR FOUNDATION, AKLAT at ng mahigit 200 na mga scholars.

Umaasa si CENRO Head Allan Marcilla na marami sa mga naitanim na mangrove ang makaka-survive kahit na isa lamang sa isang libong propagules o batang mangrove trees na itinatanim ayon sa mga pag-aaral.

Masaya naman ang mga scholars sa naging karanasan at sa oportunidad na magkaroon ng partisipasyon sa pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng inisyatibo ng PLDT-SMART at ng tanggapan ng AKLAT kasama ang LGU GenSan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -