Eddie Garcia nasa kritikal pa ring kondisyon

by Powered by DWIZ
0 comment
Eddie Garcia nasa kritikal pa ring kondisyon

Pinalilimitahan ng mga doktor ni veteran actor Eddie Garcia ang mga bumibisita rito.

Kasunod na rin ito nang inilabas na pinakahuling medical bulletin kung saan nkasaad na nananatiling nasa kritikal na kondisyon ang 90-year-old na aktor.

Ayon kay Dr. Regina Macalintal-Canlas, isa sa mga doktor ni Manoy, ang pag limita sa mga bisita ay para na rin maiwasan ang anumang komplikasyon.

Nakasaad din sa medical bulletin na naka-depende sa ventilator ang paghinga ng beteranong aktor samantalang suportado ng mga gamot ang kaniyang blood pressure.

Magugunitang nagkaroon ng severe cervical fracture ang aktor sa isang location shoot ng kaniyang bagong telenovela nang mapatid ito sa isang kable.

Related Posts