Ecowaste umapela kay Duterte na magtakda ng deadline sa pagpapabalik sa basura ng Australia at SoKor

by Powered by DWIZ
0 comment
Ecowaste umapela kay Duterte na magtakda ng deadline sa pagpapabalik sa basura ng Australia at SoKor

Umapela ang Ecowaste Coalition kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtakda ng deadline sa pagpapabalik ng tone – toneladang basura mula sa Australia at South Korea.

Ayon kay Ecowaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero, sana ay talakayin ng pangulo ang pagpapabalik ng basura sa kanyang magiging state of the nation address.

Tulad ng kanyang ginawa sa basura na mula sa Canada ay dapat na igiit ng pangulo ang pagtatakda ng deadline para maibalik ang mga basura na kasalukuyang nasa Mindanao.

Related Posts