Duterte wala pang balak mag-revamp sa NAIA

Duterte wala pang balak mag-revamp sa NAIA

by Powered by DWIZ
0 comment 55 views

Wala pang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng revamp sa mga opisyal Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng delayed at ilang cancelled flights kamakailan.

Sa talumpati ng Pangulong Duterte sa Lanao Del Sur kahapon, sinabi nitong wala pang revamp habang pinag-aaralan pa ang talagang problema sa naturang paliparan.

Una nang nagsagawa ng surprise inspection ang pangulo noong Lunes kasunod ng itinaas na lighting alert dahil sa naranasang masamang panahon.

0 comment

Related Posts