29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Duterte prinoklama ang Marso 22, 2019 bilang ‘Emilio Aguinaldo Day’

- Advertisement -

Prinoklama ni Pangulong Rodrigo Duterte ang araw ng marso 22, 2019 bilang Emilio Aguinaldo Day.

Ito’y bilang paggunita sa 150th na kaarawan ng kinilalang kauna-unahan at pinakabatang presidente ng Pilipinas.

Layon ng Proclamation No. 621 na nilagdaan ni Pangulong Duterte na buksan muli ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasaysayan ng Pilipinas.

Inaatasan naman sa nasabing proklamasyon ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) para pangunahan ang paghahanda para sa selebrasyon ng kaarawan ni Aguinaldo sa susunod na taon.

Ipinanganak si Aguinaldo nuong Marso 22, 1869 sa Kawit, Cavite at namatay ito nuong Pebrero 6, 1964.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -