31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Duterte nagtungo sa Hong Kong kasama si Honeylet at anak na si Kitty

- Advertisement -

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na nagtungo ng hong kong si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang kanyang common law wife na si Honeylet Avanceña at ang kanilang anak na si Kitty.

Layon ng weekend getaway na ito na magkaroon ng rest and recreation time ang Pangulo at ang kanyang pamilya.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na pinagbigyan ni Pangulong Duterte ang kahilingan ng anak na si Kitty bilang regalo sa kaarawan nito.

Bago umalis ang Pangulo, itinalaga muna nito si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang officer-in-charge o OIC sa operasyon ng Office of the President.

Matatandaang noong nakaraang taon, unang nagtungo sa Hong Kong si Pangulong Duterte kasama ang kanyang mag-ina para mamasyal at magpahinga.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -