Duterte nagbabala sa ibang mga bansa na huwag gawing basurahan ang Pinas

Duterte nagbabala sa ibang mga bansa na huwag gawing basurahan ang Pinas

by Powered by DWIZ
0 comment 40 views

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bansa sa kanlurang bahagi ng mundo na huwag gawing tapunan ng basura ang Pilipinas.

Sa kanyang talumpati, iginiit ng pangulo na hindi dahilan ang pagiging maunlad at makapangyarihan ng mga nabanggit na bansa para apihin ng mga ito ang maliliit na bansa.

Binanggit din ni Pangulong Duterte ang kanyang naging banta laban sa Canada matapos na abutin ng mahigit anim (6) na taon ang pagbawi nito sa mga ipinadala at itinambak na basura sa Subic.

Magugunitang noong Hulyo, ganap nang naibalik sa Canada ang nasa 69 na container ng mga basura mula dito.

0 comment

Related Posts