PNP may itinuturing na persons of interest sa pagpatay sa human rights lawyer
November 9, 2018
CBCP kinondena ang ipinatutupad na ‘mandatory pregnancy test’ ng kolehiyo sa Baguio
November 9, 2018
Show all

Duterte muling idinepensa si Faeldon at Lapeña

Muling idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga dating pinuno ng Bureau of Customs (BOC) na sina Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon at TESDA chief Isidro Lapeña.

Sa kanyang naging talumpati sa pamamahagi ng certificate of land ownership sa Boracay Island, nanindigan si Pangulong Duterte sa mabuting pamumuno nina Faeldon at Lapeña sa BOC.

Binigyang diin ng pangulo na kailanman ay hindi nasangkot sa iligal na droga si Faeldon.

Sa katunayan pa aniya ay nakapag-ambag ito sa pagpapaunlad ng ahensiya nang sampahan ng kasong tax evasion ang isang kumpanya ng sigarilyo.

Magugunitang, inilipat ng mga posisyon sina Faeldon at Lapeña matapos na kapwa malusutan ng bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu shipment.

“Sid was good. Faeldon was good. Alam mo si Faeldon why would he f**k with drugs? Kung gusto niyang mag negosyo. Maraming negosyo diyan na hindi ka masisira. Bakit ka mag smuggle ng…malaman pag puputok yan, puputok talaga sa mukha mo yan sunog iyan. Sabi ko hindi totoo yan ganyan. Yung inggitan nila diyan I should know the soldier.” Pahayag ni Duterte.

Comments are closed.