33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Duterte may hamon sa kanyang mga kritiko

- Advertisement -

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko na sampahan na siya ng impeachment complaint.

Ito ay may kaugnayan sa kanyang pahayag na tila nagbibigay pahintulot sa mga tsino na mangisda sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi siya natatakot sa bantang impeachment.

Dagdag pa ng pangulo, ipakukulong niya pa mismo at ipadadala sa Beijing ang kanyang mga kritikong maghahain ng impeachment complaint laban sa kanya.

Kasabay nito, binigyang diin naman ni Pangulong Duterte na kanya lamang pangangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipino.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -