Duterte lumapit na sa CSC para humingi ng rekomendasyon sa mga bakanteng posisyon sa pamahalaan

Duterte lumapit na sa CSC para humingi ng rekomendasyon sa mga bakanteng posisyon sa pamahalaan

by Powered by DWIZ
0 comment 14 views

Lumapit na sa Civil Service Commission (CSC) si Pangulong Rodrigo Duterte, para humingi ng rekomendasyon kung sino ang dapat italaga sa mga nabakanteng pwesto sa pamahalaan.

Ito ay bunsod ng patuloy na pagsibak ng Pangulo sa mga corrupt at mga kawaning nasasangkot sa kontrobersiya.

Ayon kay Pangulong Duterte, nahihirapan na syang makahanap ng tapat na opisyal para italaga sa mga bakanteng pwesto at tiwala siyang tapat at mapagkakatiwalaang kawani naman ng gobyerno ang mairerekomenda ng CSC.

Samantala, ahensya ng Bureau of Customs (BOC) ang may pinakamaraming bakanteng posisyon dahil sa pagsibak ng Pangulo sa halos 100 opisyal nito.

With report from Jopel Pelenio.

0 comment

Related Posts