33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Duterte kinumpirmang inalok niya si Honasan bilang susunod na DICT secretary

- Advertisement -

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang inalok ng posisyon si Senador Gringo Honasan bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon sa Pangulo, hinimok niya ang senador na samahan siya para sa pagpapabuti ng pamahalaan at pagpapaganda ng Pilipinas.

Gayunman sinabi ni Pangulong Duterte na hindi pa siya nakatitiyak kung tinanggap na ni Honasan ang kanyang alok na posisyon bagama’t sa tingin niya ay ikinunsidera naman ito ng senador.

Magugunitang si Senate President Vicente Sotto III ang nagbunyag hinggil sa napipintong pagtatalaga kay Honasan bilang susunod na DICT kapalit ni acting Secretary Eliseo Rio.

Samantala, wala pang itatalagang kapalit si Pangulong Duterte sa binakanteng posisyon ni dating Presidential Political Adviser Francis Tolentino.

Aniya, wala pa siyang nakikitang pangangailan para agarang punan ang nasabing posisyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -