Datus ng mga lumabag sa batas sa buong rehiyon, inilabas ng PRO12
October 9, 2018
PCSO umaasa na maraming mananalo ng P1-B pot money sa 6/58 Ultra Lotto
October 9, 2018
Show all

Duterte ipinabatid na siya ay ‘clear of cancer’

Clear of cancer o walang cancer ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Officer-in-Charge Eduardo Año, ang ipinabatid mismo sa kanila ng Pangulong Duterte sa cabinet meeting kagabi matapos sumalang sa mga tests sa isang pribadong ospital ang pangulo.

Sinabi ni Año na negative ang resulta ng nasabing test kung saan kumuha sila ng sample mula sa bituka ng pangulo.

Magugunitang lumutang ang posibleng problema umano sa kalusugan ng pangulo matapos hindi dumalo ang 73-year-old na si Duterte sa dalawang official events nito nuong isang linggo kabilang ang pulong sa kaniyang gabinete.

(with report from Jopel Pelenio) 

Comments are closed.