Duterte handang i-endorso si Romualdez bilang VP – Panelo

by Powered by DWIZ
0 comment
Duterte handang i-endorso si Romualdez bilang VP – Panelo

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na i-endorso si Leyte Representative Martin Romualdez para sa bise presidente sakaling magpasiya itong tumakbo sa nabanggit na pwesto sa 2022 elections.

Ito ang kinumpirma mismo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Una na ring sinabi ni Pangulong Duterte na mabuting tao aniya si Romualdez at nababagay naman sa kanya ang puwesto.

Magugunitang isa si Romualdez sa mga matunog na pangalan sa pagka-house speaker kasama nina Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

Gayunman, inendorso si Romualdez ni Pangulong Duterte bilang majority floor leader.

Related Posts