Duterte binalaan ang mga estudyanteng sasali sa NPA

Duterte binalaan ang mga estudyanteng sasali sa NPA

by Powered by DWIZ
0 comment 16 views

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga estudyanteng sasali sa New Peoples Army (NPA).

Ayon kay Pangulong Duterte, kung gusto ng kabataan ng adventure at mamatay sa proseso ay hindi aniya pipigilang sumali sa rebelde o NPA.

Mapanuyang sinabi pa ng Pangulo na maaari rin umanong iwan ng mga kabataan ang kanilang pamilya at tuluyang pumasok sa mundo ng rebelde na puno ng karahasan.

Subalit magre-recruit naman ng karagdagang sundalo ang Pangulo para ipantapat sa mga kabataang sasali sa mga rebelde.

With report from Jopel Pelenio.

0 comment

Related Posts