29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Duque handang humarap sa imbestigasyon

- Advertisement -

Nakahanda si Health secretary Francisco Duque III na humarap sa imbestigasyon kaugnay ng umano’y pagkakaroon nito ng conflict of interest.

Ito ay matapos isiwalat ni Senador Panfilo Lacson na maituturing na conflict of interest ang pangungupahan ng regional office ng PhilHealth sa Dagupan City, Pangasinan sa gusaling pagmamay-ari ng pamilya ni Duque.

Ayon kay Duque, wala siyang nakikitang conflict of interest sa sitwasyon dahil nakasaad aniya sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ang nasabing gusali at kumpanya na pagmamay-ari ng kanyang pamilya.

Paliwanag ni Duque, umalis siya sa government service noong 2015 at bumalik sa Dagupan City bilang isang pribadong indibiduwal.

Sa panahon iyon aniya ay nahalal naman siya bilang pangulo ng Lyceum Northwestern University na may corporate name na Education Medical Development Corporation.

Dagdag ni Duque, nang italaga muli siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kalihim ng DOH, nagbitiw siya sa kanilang kumpanya at pinalitan ng kanyang kapatid.

Iginiit pa ni Duque, tuloy-tuloy ang kontrata ng PhilHealth at nang hindi aniya makahanap ang ahensiya ng bagong lugar para gawing tanggapan, nagparenew ito ng kontrata noong 2017.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -