30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Dugo ni Christine Silawan natagpuan sa mga damit ng suspek ayon sa NBI

- Advertisement -

Kinumpirma ng NBI o National Bureau of Investigation na nagtugma ang dugo ng 16 anyos na si Christine Lee Silawan sa nakitang dugo sa sumbrero at t-shirt ng 17 anyos na suspect sa krimen.

Ito ay batay sa isinagawang DNA test na isinagawa ng NBI sa dugo ni Silawan.

Ayon kay Tomas Enrile, direktor ng NBI Region 7, nakapag patibay ang ebidensiyang ito sa kasong ‘murder in relation to violation of the cybercrime act’ na isinampa nila laban sa suspect.

Paliwanag pa ni Enrile, sapat na ang nakalap nilang mga ebidensiya kaya’t hindi na nila gagamitin pa ang re-autopsy report ng PAO o Public Attorney’s Office na hindi rin nagtugma sa isinagawang pagsusuri ng medico legal ng PNP.

Sa ngayon, aminado naman si Enrile na wala pa silang impormasyon hinggil sa iba pang kasabwat ng suspect habang patuloy pa rin nilang pinag-aaralan ang motibo sa krimen.

Matatandaang natagpuan si Silawan na wala nang buhay, tadtad ng saksak at binalatan pa ang mukha sa isang bakanteng lote sa Barangay Bankal sa Lapu-Lapu City noong Marso 11.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -