Drilon dinepensahan ang ginawang line item veto sa 2019 budget

by Powered by DWIZ
0 comment
Drilon dinepensahan ang ginawang line item veto sa 2019 budget

Dinipensahan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang ginawang line item veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 national budget.

Ayon kay Drilon, legal at naayon sa konstitusyon ang naging hakbang ng pangulo kung saan umabot sa P95.3 billion ang halaga ng vineto nito sa nilagdaang budget.

Kaugnay nito, pinabulaanan rin ni Drilon ang alegasyong pinapaburan ni Pangulong Duterte ang Senado sa mga ivineto nito na karamiha’y illegal realignments mula sa Kamara.

Una rito, inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na hindi na magkakaroon ng ceremonial signing matapos lagdaan kahapon ni Pangulong Duterte ang 2019 national budget o Republic Act 11260.


P15-B naisalba sa ginawang line item veto ni Pangulong Duterte — Lacson 

Aabot sa P15 billion ang naisalba ng pamahalaan sa ginawang line item veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 national budget.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, mapupunta lang sana sa “pork commission” ang P19 billion, kung hindi na-veto ang P95.3 billion na pork sa budget.

Aniya, bago pa man maaprubahan sa Kongreso ang 2019 budget ay inilako na sa mga konratista ang dalawampung porsyentong “pork commission” kada proyekto mula sa 75 billion pesos na pork, na mina-ni obra umano ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Samantala, pinapurihan naman nina Lacson at Senate President Vicente Sotto III si Pangulong Duterte sa pag-veto nito sa mga kuwestiyonableng re-alignment sa budget at sa mga hindi naman kabilang sa mga priority projects ng administrasyon.

—–

Related Posts