33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Draft federal constitution tinawag na pekeng pederalismo

- Advertisement -

Tinawag na pekeng federalismo ni Retired Supreme Court Chief Justice Reynato Puno ang draft federal constitution na ipinasa ng mababang kapulungan ng kongreso.

Si Puno ang chairman ng binuong consultative committee ng Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa rin ng draft federal constitution.

Ayon kay Puno, ang ipinasang draft ng Kongreso ay unilateral system of government pa rin na nagpapanggap na federal constitution.

Sa ilalim anya ng ginawang federal constitution ng Kamara, tinanggal na ang pagbabawal sa political dynasty bilang state policy at walang limitasyon kung ilang termino pwedeng tumakbo ang isang pulitiko.

Wala rin anyang pinagtibay na probisyon para labanan ang cartel na nagiging dahilan ng krisis sa pagkain.

At higit sa lahat, hindi man lang nabanggit sa draft federal charter ng Kamara ang hinggil sa problema sa Mindanao na siyang pangunahing dahilan kung bakit isinusulong ang federal system of government.

Ipinaliwanag ni Puno na sa ginawa nilang draft, inilagay nila mismo sa konstitusyon ang pagkakaroon ng sariling estado ng mga nasa Mindanao.

Iba anya ito sa mga katulad ng BOL o Bangsamoro Organic Law na isa lamang ordinaryong batas na pwedeng palitan o ipawalang bisa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -