DPWH nakabantay sa pagtatayo ng bagong Senate building

by Powered by DWIZ
0 comment
DPWH nakabantay sa pagtatayo ng bagong Senate building

Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na babantayan nila ang pagtatayo ng bagong gusali ng Senado.

Ito ay kaugnay nang pagkaka-sangkot ng kontratista ng proyekto sa maanomalyang mga proyekto sa pamahalaang lungsod ng Makati.

Matatandaang noong 2014, sumailalim sa imbestigasyon ng Senado ang Hilmarc’s Construction Corporation, dahil sa “overpriced” na Makati City Hall Building 2 na nagkakahalaga ng 2.2 billion pesos.

Ayon kay DPWH Asec. Antonio Molano Jr., pumasa ang Hilmarc’s Corporation sa background checking ng DPWH, kung saan ito rin ang nanalong bidder ng naturang proyekto.

Nagkakahalaga naman ng 8 billion pesos ang itatayong bagong gusali ng Senado, kung saan inaasahan naman itong matapos sa Hunyo 2021.

—-

 

 

 

 

Related Posts