DPWH aminadong may mga naantalang proyekto

0
55

Inamin ng Department of Public Works and Highways o DPWH na nagkaroon ng mga problema sa pagpapatupad ng ilang proyekto.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, kadalasan nagiging dahilan ng pagka-antala ng mga proyekto ay dahil sa mga inaaprubahang permit.

Ngunit sinabi ni Villar na natalakay na niya ito kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang nais umano ng Punong Ehekutibo na mapabilis ang implementasyon ng mga naka-linyang proyekto ng ahensya.

Nangako umano ang Pangulo na tutulong na mapabilis ang proseso ng mga inaaprubahang permit at iba pang mga requirements na kinakailangan upang agarang masimulan ang mga proyekto.

Magugunitang tinawagang pansin ni Pangulong Duterte si Villar sa isang event sa Davao City at sinabing mananagot ang kalihim kung sakaling may naantala o palpak na proyekto sa kanilang kagawaran.

—-