28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

DOTR tiniyak ang patas na imbestigasyon sa nangyaring aksidente sa Iloilo-Guimaras Strait

- Advertisement -

Tiniyak ng DOTR o Dept. of Transportation ang patas na imbestigasyon sa malagim na aksidente sa Iloilo-Guimaras strait na ikinasawi ng mahigit 30 katao.

Kaugnay ito ng ikinasang Inter-Agency Probe ng PCG o Phil. Coast guard at Marina o Maritime Industry Authority.

Sesentro ang imbestigasyon sa umiiral na protocols sa pagsuspinde ng paglalayag ng mga motorboat tuwing masama ang panahon.

Dahil dito, inaasahan naman na makabuo ang investigating body ng rekumendasyon para mas maisaayos at mapagtibay pa ang mga umiiral na protocols.

Una rito, ipinag utos na naman ni DOTR Sec. Arthur Tugade na masibak sa pwesto ang mga opisyal ng PCG Stations sa Iloilo at Guimaras.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -