DOLE Sec Bello hinamon ang mga kritiko na sampahan siya ng kaso

0
68

Batid na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang nasa likod ng paninira laban sa kanya.

Sinabi ni Bello, interesado ang taong ito sa kanyang posisyon at nakatakda niya itong pangalanan sa tamang panahon.

Matatandaang idinadawit ang kalihim kaugnay sa kuwestyunableng I-Dole card na umano’y pinababayaran ng kagawaran sa mga OFW na dapat ay libre lang.

Samantala, una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nananatiling buo ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Duterte kay Bello sa gitna ng mga kontrobersiyang kinahaharap nito.

(Ulat ni Aya Yupangco)