DOLE may babala tungkol sa mga pekeng certificates

0
51

Nagbabala sa publiko ang Department of Labor and Employment o DOLE laban sa mga pekeng “certificate of no pending appealed case” na ginagamit umanong modus sa pag-withdraw ng escrow deposits ng recruitment agencies.

Ginawa ni DOLE Secretary Silvestre Bello III ang pahayag makaraang makatanggap ito ng liham mula sa dalawang recruitment agencies na nagtatanong tungkol sa certification na sinasabing inisyu ng DOLE Legal Service at ginamit sa pag-withdraw ng isang escrow deposit.

Subalit lumalabas sa imbestigasyon na bogus ang certification at hindi ito nagmula sa DOLE Legal Service lalo pa’t natuklasan na ang nakasaad na ‘signatory’ ng dokumento ay hindi na konektado sa labor department.

Pinagbubukas ng escrow account ang isang recruitment agency upang dito ikaltas ang claims ng overseas contract workers sakaling magkaroon ng contract violations.