DOJ muling binuksan ang imbestigasyon laban sa umano’y 13 ‘ninja cops’

DOJ muling binuksan ang imbestigasyon laban sa umano’y 13 ‘ninja cops’

by Powered by DWIZ
0 comment 36 views

Muling binuksan ng Department of Justice o DOJ ang imbestigasyon laban sa 13 sinasabing ‘ninja cops’ o mga pulis na nag-rerecycle ng illegal drugs.

Ito mismo ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, kung saan bumuo na rin ng bagong panel of prosecutors para muling imbestigahan ang isyu.

Matatandaang napag-alaman sa pagdinig na Senado na pinamumunuan ni Major Rodney Baloyo ang maanomalyang drug operations noong 2013.

Lumalabas sa naturang operasyon ang iba’t-ibang iregularidad kagaya na lamang ng mishandling of evidence, ang hindi pagtutugma ng halaga ng narekober na illegal drugs at ang umano’y pagbabayad ng suspect na si Johnson Lee ng 50 million pesos sa pulisya kapalit ng kaniyang kalayaan.

Paliwanag ni Guevarra dahil dumarami na ang lumulutang na ebidensiya laban sa mga ninja cops, minarapat na niyang muling paimbestigahan ang mga ito.

0 comment

Related Posts