30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

DOJ isasailalim sa evaluation ang mga hawak nitong rice smuggling cases

- Advertisement -

Sisilipin isa – isa ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga kaso ng rice smuggling na hawak ng kanyang tanggapan.

Inihayag ito ng kalihim kasunod ng mga apelang maghain ng kaso laban sa mga rice smuggler para matigil ang kanilang illegal na aktibidad.

Kamakailan, nanawagan si Senadora Cynthia Villar, chairperson ng committee on agriculture and food, na parusahan kahit isang rice smuggler para ipakitang seryoso ang gobyerno sa pagpapatupad ng batas laban sa rice smuggling.

Una rito, binanggit at binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address ang mga rice cartel na nagsasamantala sa kalakaran ng bigas sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -