DOJ inatasan ang BuCor na madaliin ang pagproseso sa mga dating convict na sumuko

DOJ inatasan ang BuCor na madaliin ang pagproseso sa mga dating convict na sumuko

by Powered by DWIZ
0 comment 37 views

Inatasan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang Bureau of Corrections o BuCor na madaliin ang pagproseso sa mga dating convict na sumuko sa mga otoridad.

Partikular aniya ang mga hindi kabilang sa listahan ng mga nahatulang bilanggo na maagang nakalaya sa pamamagitan ng GCTA o Good Conduct Time Allowance Law.

Ayon kay Guevarra, bibigyan ng BuCor certification ang mga nabanggit na dating convict para na rin sa kanilang kaligtasan at bilang proteksyon.

Una na ring sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete na tumatangging umalis ng tanggapan ng BuCor ang mga ex-convict na hindi naman kabilang sa listahan ng mga maagang napalaya dahil sa GCTA.

Aniya, kanila pang hinihintay ang ibibigay na certificate ng ahensiya.

Batay sa pinakahuling tala ng DOJ, umaabot na sa mahigit 2,000 ang mga sumukong convict, mas marami sa 1,914 na pangalang nasa listahan ng BuCor.

0 comment

Related Posts