DOJ hinimok na magsampa ng kaso laban sa mga PhilHealth officials

DOJ hinimok na magsampa ng kaso laban sa mga PhilHealth officials

by Powered by DWIZ
0 comment 72 views

Hinimok ni Senior Citizen Partylist Rep. Francisco Datol ang Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kaso ang opisyal at tauhan ng PhilHealth na sangkot sa ma-anomalyang ghost dialysis scam.

Ayon  kay Datol, kasong economic sabotage through large-scale estafa ang dapat isampa sa lahat ng may kinalaman sa P154-B fraud dialysis claims.

Paliwanag nito, maaring mas malaki pa sa nabunyag na bilyun-bilyong piso ang ghost dialysis scam sa PhilHealth.

Samantala, iginiit rin naman ni Datol sa DOJ na dapat matibay ang kasong kriminal at sibil na isasampa sa mga sangkot sa naturang kontrobersiya.

0 comment

Related Posts