Radio Philippines Network
National News

DOJ hinimok na magsampa ng kaso laban sa mga PhilHealth officials

Hinimok ni Senior Citizen Partylist Rep. Francisco Datol ang Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kaso ang opisyal at tauhan ng PhilHealth na sangkot sa ma-anomalyang ghost dialysis scam.

Ayon  kay Datol, kasong economic sabotage through large-scale estafa ang dapat isampa sa lahat ng may kinalaman sa P154-B fraud dialysis claims.

Paliwanag nito, maaring mas malaki pa sa nabunyag na bilyun-bilyong piso ang ghost dialysis scam sa PhilHealth.

Samantala, iginiit rin naman ni Datol sa DOJ na dapat matibay ang kasong kriminal at sibil na isasampa sa mga sangkot sa naturang kontrobersiya.

Related posts

Salceda: Vape importation sa bansa ipinatupad na ng gobyerno

Powered by DWIZ

Rehabilitasyon sa Boracay magtutuloy-tuloy ayon sa DENR

Powered by DWIZ

Mag-asawang Chinese nationals sa San Lazaro Hospital nakitaan ng mga sintomas ng novel coronavirus

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More