31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

DOH Sec. Duque sinampahan ng patong patong na kaso ng katiwalian

- Advertisement -

Sinampahan ng patung patong na reklamo sa Office of the Ombudsman si Health Secretary Francisco Duque III dahil sa umano’y conflict of interest.

Kaugnay ito ng pag-upa ng regional office ng Philhealth sa gusaling pagmamay-ari ng pamilya ni Duque sa Dagupan City sa Pangasinan.

Kabilang sa mga isinampang kaso kay Duque ay plunder, paglabag sa Anti graft and corrupt practices act at Code of conduct and ethical standards for public officials.

Inihain ang reklamo ng mga magulang ng mga batang nasawi matapos turukan ng Dengvaxia sa tulong ng PAO o Public Attorney’s Office.

Sa affidavit ng mga complainant, kanilang iginiit ang pagkakaroon ng conflict of interest sa bahagi ni Duque matapos payagan ang business transaction sa pagitan ng kumpanyang pag-aari ng kanyang pamilya at Philhealth kung saan siya ang ex-officio chairman.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -